Pagsusuri ng Himagsik ni Balagtas sa Kontekstong Florante at Laura


Kirstene G. Ubay                                                                                           8-Busay

Maaaring ang Florante at Laura ay isang aklat lamang na isinulat ni Fransisco Balagtas, na ibinubuo  ng istorya tungkol sa pagmamahalan ng dalawang magkasintahan na sina Florante at Laura. Ngunit, hindi lang ito ang nais na iparating ni Fransisco sa kaniyang mga tagapagbasa, nais niyang iparating sa mga tao ang malupit na pagmamaltrato ng mga kastila sa mga pilipino noon. Ang Florante at Laura ay binubuo ng apat na himagsik ni Balagtas at ito ay ang Himagsik laban sa malupit na pamahalaan, Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya, Himagsik laban sa maling kaugalian, at Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.
Ngayon aking mas tutuunan ng pansin ang Himagsik laban sa maling kaugalian dahil ito ay nag tatalakay sa kasalanang nakaugat nang  malalim,  hindi mabuting kaugalian ng mga lahi, pang-aagaw sa pag-ibig , at  mapagkainggitin sa kapwa.
Dahil para sa akin ito ang mga bagay na nagbubunga sa mababang ekonomiya’t  maling pag-uugali ng isa’t isa sa atin. At halos lahat satin ay napalaki sa ugaling bahala na  na may kasabihan na tumutukoy sa  mga gawain na sa una lang naisasakatuparan ngunit sa kalaunan ay hindi na naitutuloy ang nasimulan. At ang kaugaliang ito’y nag reresulta sa mga hindi wastong bagay na maaring magaganap sa buhay natin.
Kagaya sa Florante at Laura ni Fransisco Baltazar, Simulan natin kay Konde Adolfo na kaaway, kababayan, at kaklase ni Florante. Alam nating lahat na si Konde Adolfo ay mas nakakatanda kay Florante ngunit kahit mayroong agwat sa kanilang edad, kayang-kaya ni Florante na pantayan ang nalalaman ni Konde Adolfo kahit na kabago-bago niya pa lamang sa Atenas. Pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante sa isang pagsasadula nung ibinigay kay Florante ang  karakter na nais ni Adolfo. Buti na lamang nailigtas ni Menandro si Florante, ngunit hindi pa dito natapos ang kasamaan ni Adolfo. Isinabi niyang, siya ay maghihiganti kay Florante balang araw.
 Nung lumaki na si Florante bumalik si adolfo at kaniyang inagaw si Laura mula kay Florante. Pinagtangkaan rin niyang gahasain si Laura, at hindi lang iyan, imbis na hatulan ng kamatayan si Florante ipinatali niya ito sa isang puno ng higera sa loob ng gubat na punong-puno ng mga mababangis na hayop. 

Dito sinisimbolo ni Adolfo ang mga  iilang Pilipinong laki sa maling pamamalakad ng magulang sa kanilang anak na nag bubunga ng mga maling/pangit na kaugalian. At sinisimbolo namn ni Florante ang iilang Pilipinong edukado at sa wastong kaugalian. Dahil naman nating lahat na sa huli, matatalo't matatalo ng kabutihan ang kasamaan.

sanggunian:https://definitelyfilipino.com/blog/mga-pag-uugaling-dapat-nang-alisin-now-na/https://www.slideshare.net/lovebordamonte/apat-na-himagsik-ni-francisco-balagtas https://www.tagaloglang.com/florante-at-laura-buod-summary/



Comments

Popular posts from this blog

Ang Pagsusuri ng Himagsik sa Florante at Laura