Ang Pagsusuri ng Himagsik sa Florante at Laura

     Ang Pagsusuri ng Himagsik sa Florante at Laura 

                                          ni: Sid Kyle J. Valbare                                          8-Busay


     May apat na himagsik na gustong ipahiwatig ni Baltazar sa mambabasa ng Florante at Laura. Ang isa sa mga ito ay ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan. na tumutukoy sa masamang pamamalakad ng pamahalaan, hindi pantay na karapatan ng tao sa pamahalaan, at pagmamaltrato ng pamahalaan sa mga tao dito sa Pilipinas.

Dahil dito, na nanatiling mababa ang ekonomiya ng bansa naatin. Ito rin ang dahilan kung bakit minamaliit o binabatikos ng karamihan ang pamahalaan sa pilipinas. At kawalan ng desiplina nang madla sa bansang Pilipinas.

Karamian rin sa lumalabas na tsismis o kaya'y balita na kapag ang isang tao aay nanununkulan sa mataas na antas sa gobyerno ay ang buhay niya'y napakadali at daya. Napakadali dahil hindi na nila kailangang magsakripisyo kasi ang mga bagay-bagay na nais nila ay madali na nilang makamtan. At napakadaya naman dahil ang ilang tao na katulad nila ay may mga limitayun o di kaya'y may mga pagsubok pa kailangang pagdaanan para lang makamit ang simpleng mga bagay na nais nila.

napakaklaro nailarawan ito sa Florante at Laura sa karakter ni Aladin at Ali Adab. nagawang pagtaksilan ni Sultan Ali Adab ang kanyang anak na si Aladin. Napagtaksilan nya si Aladin dahil may gustong ipahiwatig ang puso nya sa mismong sinisinta ng kanyang anak na si Flerida. At nagawa nya ito sa sa pamamagitan nang lakas niya sa pwesto kasi sya anag hari ng kanilang bayan.

Sinisimbolo ni Sultan Ali Adab ang gobyeernong mayroon ang Pilipinas sa pangdaraya, sinungaling, at makasarili nitong pamamalakad sa mismong anak nya. At sinisimbolo naman ni Aladin ang mga mamayang Pilipino na parang tuta na sunod-sunurang paniniwala at pagsunod sa mali at hindi makatarungang pamamalakad ng pamahalaan sa Pilipinas.





Sangguniang: https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-booknotes-summary-in-tagalog-ang-buod-ng-florante-at-laura_845.html https://prezi.com/m5loragfcqul/ang-apat-na-himagsik-ni-francisco-baltazar/ 

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pagsusuri ng Himagsik ni Balagtas sa Kontekstong Florante at Laura